Monday, October 13, 2008

leson plan

Pamagat: Nakakaangat Ka Ba?
Baitang: 2
Asignatura: MAKABAYAN
Kaisipan: Ang pakikipagkapwa-tao, anuman ang gulang, paniniwala, kulay o kalagayan sa buhay ay pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay ng tao.
Takdang Panahon: 1 sesyon

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga katangi-tanging ugaling nagpapakilala sa mga Pilipino (BEC Pambansang Pagkakakilanlan A.2)
B. Nasasabi na ang tapat na pakkisama ay walang pinipili

II. NILALAMAN
A. Paksa
1. Mga Katangi-tanging Ugaling Nagpapakilala sa mga Pilipino
2. Pagkamakatarungan at Pagkamatapat
B. Mga Kagamitan
Movie viewing
Use of overhead projector
III. PAMAMARAAN
A. Gawain
Sabihin: May inihanda akong tape para panoorin ninyo.Ito ay tungkol sa nangyari sa mga batang katulad ninyo.
(Ang mga bata ay nagsipaghanda ng kanilang sarili sa panonood)
B. Pagsusuri
Anu-anong mga ugali ng mga bata ang nakita ninyo sa palabas?
Ilarawan si Lito.Bakit ayaw makipaglaro nina Rico at Danny sa kanya?
Pag –usapan ang kalagayan sa buhay ni Lito.
Sinabi ninyo kanina na mabait si Lyn? Bakit?
Gusto ba ninyong gayahin si Lyn? Bakit?
Ano ang gagawin ninyo kung gusting makipaglaro sa inyo ang isang taong marumi/may kapansanan/dayuhan/may ibang relihiyon? Bakit?
C. Paglalapat
Ilahad:
Naglalaro kayo sa palaruan.May dalawang bata na hindi ninyo kamag-aral ang gusting sumali.Ano ang inyong gagawin?
Ano ang inyong naipapakita kung ganoon ang inyong gagawin?
IV.PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek (/) sa patlang na nagsasaad ng pagkakapantay-pantay at ekis(x) kung hindi.
______1. Pinapauna sa pila ang mga dayuhan.
______2. Iniiwasang makatabi ang maitim na kamag-aral.
______3. Nakikipagkaibigan sa kapitbahay na pilay.
______4. Sumasama si Nora sa kamag-aral niyang mahirap.
______5. Pinagtatawanan ang kakaibang gawi ng pagdarasal.
V.GAWAING BAHAY
Humandang mag-ulat kinabukasan ng isang gawain sa inyong mag-anak na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay.

Marz Magnifico beed3b

No comments:

What name do you want for PSCA when it will be converted to a university?