Monday, October 13, 2008

lesson plan

LESSON PLAN IN MAKABAYAN


I. Layunin:

1. Natutukoy na ang mundo ay lumiligid sa araw sa loob ng 365 ¼ araw
2. Nasasabi na ang mundo ay nakahilig sa kanyang aksis ng 23 ½ habang lumiligid sa araw
II. Paksa:

A.Ang Paligid ng Mundo sa Araw at ang Posisyon ng Mundo habang lumiligid sa Araw
B.Pagsasanib (Integration)
` 1. GMRC Pakikiisa sa mga taunang pampamilyang selebrasyon o pagdiriwang
2. FILIPINO Pagsulat ng talata ng pagsasalaysay
3. MSEP Pagguhit mula sa imahimasyon


III. Kagamitan:
A.Tsart,bolang kakatawan sa mundo at bolang kakatawan sa araw
B. Power point

IV. P amamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagtsek ng Takdang Gawain
2. Pagbalik-Aral:
Ilang oras ang isang pag-ikot ng mundo sa kanyang sariling aksis?
Anu ang dahilan ng pagkakaiba ng temperature sa araw at gabi?
B. Bagong-Aralin:
1. Pagbubuo ng Hinuha
Ilang araw ang mundo ay lumiligid sa pagligid sa araw?
Ano ang posisyon ng mundo habang ito lumiligid sa araw?
2. Paglalahad
a. Pagbasa sa teksto
b. Pagmasid sa demonstrasyong guro
3. Pagtatalakay
Paano gumagalaw ang mundo sa paligid sa araw? Ilang araw ang isang pagligid ng mundo sa araw?




FILIPINO at GMRC INTEGRATION





Pakikinig / Paki8kibahagi sa pagtalakay sa kahalagahan ng pakikiisa ng mga kasapi ng pamilya sa mga taunang pampamilyang selebrasyon o pagdiriwang
4. Pagbuo ng Kaisipan
Ilang araw ang isang pagligid ng mundo sa araw? Ano ang posisyon ng mundo habang ito lumiligid sa araw?
5. Pagsasanay
a. Paggawa ng sariling talaan ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang-aralin sa kuwarderno
b. Pagsulat ng talatang nagsasalaysay sa isa sa mga taunang pampamilyang selebrasyon o pagdiriwang sa inyong pamilya
v. Pagtataya:
Sagutin.
1. Paano gumagalaw ang mundo sa araw?
2. Ilang araw ang isang pagligid ng mundo sa araw?
3. Ano ang posisyon ng mundo habang ito lumiligid sa araw?
VI Takdang Gawain:
Pumili ng isa sa mga pampamilyang selebrasyon o pagdiriwang at gumuhit
Ng larawang nagpapakita nito mula sa imahinasyon.

JOELE RECTO BEED 3B

No comments:

What name do you want for PSCA when it will be converted to a university?