Tuesday, October 7, 2008

Lesson Plan

Pinagsanib na Aralin sa Filipino
MAKABAYAN AT EKAWP
(Unang Markahan)

I. Layunin
1. nagagamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa tungkulig pasalaysay, pautos, pakiusap,patanong at padamdam sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
II. Paksang Aralin
Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
Sanggunian:
Pag-unlad sa Wika, pp.155-168
Banghay- Aralin sa Filipino 3 (Div. of Iliilo) pp. 193-195
Kagamitan:
Larawan, plaskard, overhead projector
Pinagsanib na Aralin – MAKABAYAN (PELC#II-a.6, P.20)
“Nakikilahok nang buong sgla sa iba’t ibang kakayahan upang matamo ang mithiin”.
Pinag-isang Tema: “Pagmamahal sa Wika”
III. Pamamaraan:
Pagsasanay: Ikahon ang pangngalang pambalana sa bawat pares ng pangngalan
(Sinagot na ang unag bilang)
1. Baguio City - siyudad
2. Lalawigan - Bulacan
3. Sharon - artista
4.Tindera - Aling Maring
5. Bart - basurero
6. Biyernes - araw
7.buwan - Marso
8. Mario - lalaki
B. Balik –Aral:
Isulat ng wasto ang mga sumusunod na Pangngalang pantangi.
1. peping - ____________
2. lunes - ____________
3. Rosalie - ____________
4. oktubre - ____________
5. manuel l. quezon - ____________
C. Bagong -Aralin:
1. Pagganyak na Gawain:
Pagtingin sa mga larawan na nasa paakilan o “easel”
Tanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila tungkol ditto..
2.. Paglalahad/Pagtatalakay:
a. Alamin natin kung paano ipinagdiwang ng mga bata ang kanilang Linggo ng Wika sa paaralan.
b. Basahin ng anim na bata ang dula-dulaan sa pisara o manila paper “Linggo ng Wika” (Dula-dulaan) pp. 6-9
c. Pagsasagot sa mga tanong:
1. Bakit sa Buwan ng Agosto ginaganap ang Linggo ng Wika”
2. Sino ang ama ng Wikang Pambansa?
3. Anu-ano ang mga katangian ng Ama ng Wikang Pambansa?
d. Pagbasa ng mga bata ng isang Dula –Dulaan:
(Basahin ito ng dalawang bta)

Sitwasyon
Naguusap ang mag-inang Aling Mina at Lorna sa salas ng kanilang bahay. Nagpapaturo si Lorna nang wastong pagdarasal sa kanyang ina.

Lorna: Nanay, ano po ba ang kahulugan ng pagdarasal?
Aling Mina: Iyon ay paghingi sa Panginoong diyos. Iyon ay pagpupuri at paghingi ng awa sa Panginoong diyos.
Lorna: Magkakatulad po ba ang paraan ng pagsamba ng mga tao?
Aling Mina: Iba-iba ang paraan ng pagdarasal ng mga tao. Kilala mo sina Gng. Cruz, hindi ba? Nagsisimba kung Linggo.
Lorna: E, sina Fatima Baud, saan sila sumasamba?
Aling Mina: Sa “Mosque” sila sumasamba, iisa lamang ang diyos na sinasamba ng lahat. Kaya tayong lahat ay dapat magmahal sa kapwa natin. Totoo! Ang diyos ay Pag-ibig!
e. Pag-usapan kung paano nakikipagusap sa diyos ang mga bata.
f. Ang mga pangungusap ay may iba’t ibang uri ayon sa gamit
g. Basahin natin ang mga pangungusap na ito mula sa binasang dayalogo
1. Ang pagdarasal ay pagpupouri sa diyos
2. Saan po siila sumasamba?
3. Maari po bang turuan ninyo akong magsdasal?
4. Totoo! Ang Diyos ay Pag-ibig.
3. Paglalahat
Tandaan Natin
Ang Pangungusap ay may iba’t ibang uri
a. Ang Pangungusap na Pasalaysay
Ito ay pangungusap na nagsasalaysay, nagpapahayag o nagsasabi ng isang bagay. Ginagamitan ito ng tuldok (.)
b. Pngungusap na Patanong:
Ito ay nagtatnong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?)
c. Pangungusap na Padamdam:
Ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin. Maari itong masasaad ng pagkagulat, tuwa, sakit at iba pa. Nagtatpos ito sa tandang padamdam (!)
d. Pangungusap na Pautos/ Pakiusap:
Ito ay nagbibigay ng utos o pakiusap. Ginagamitan ito ng tuldok (.)
4. Pagsasanay
Sabihin kung ang pangungusap ay pasalaysay, patanong o pakiusap.
a. Malamig ang simoy ng hangin
b. Yahoo! Nanalo an gating team
c. Pakiabot ng aking unan.
d. Ilang dosenang itlog ang napulot mo ngayon?
e. Pulutin mo ang kalat sa paligid.
f. Tayo ay mag-aaral nang mabuti.
5. Paglalapat
Sumulat ng tig-dalawang pangungusap na nagsasalaysay ng inyong kanasan.
1. Pasalaysay
2. Patanong
3. padamdam
4. pautos/pakiusap
6. Pagpapahalaga
*Ginawa ba ninyo nang maayos ang inyong mga Gawain?
*Paano ninyo ito ginawa?
*Kung hindi kayo nagging masipag o masigasig, matatapos ba ninyo ang inyong Gawain?
IV. Pagtataya
Isulat ang pasalaysay, patanong, padamdam, pautos, pakiusap sa bawat patlang
________________1. Takbo! Umuulan na.
________________2. Takot ka bas a kidlat?
________________3. Wla na akong gagawin ngayon. Natapos ko na ang aking project.
________________4. Itago mo na lahat iyan baka mabasa ng ulan.
________________5. Tulungan ninyo naman ako sa aking pagtatanim.




V. Kasunduan
Maghanap ng larawan at magbuo ng iba’t ibang pangungusap tungkol ditto na ginagamitan ng ibat ibang uri ng Pangungusap.


Ipinasa ni:
Ronabelle J. Catahan
Beed- 3B
(Lopsidedtech)

No comments:

What name do you want for PSCA when it will be converted to a university?